-- Advertisements --

Posibleng makalabas na mula sa kustodiya ng senado ang mga executives ng Pharmally Pharmaceutical Corporation sa Hunyo 3 kapag maaprubahan ng Blue Ribbon Committee report.

Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon na dapat ay aprubahan ng Senado ang committee report bago mapalaya sina Pharmally executives Mohit Dargani and Linconn Ong.

Sakaling walang maaprubahan na na committee report o walang maisumite na committee report ay maghihintay sila ng hanggang Hunyo 30.

Paglilinaw pa senador na kaya nasa kustodiya ng senado sina Ong at Dargani ay dahil sa nagmatigas ang mga ito na makipagtulungan sa kanila at ang pagkustodiya ng senado sa kanila ay base sa pahayag ng Korte Suprema ukol sa kanilang kaso.

Nararapat na makakuha ng 11 na senador sa 20 mga nasa committee ang pumirma ng report para sila ay makalabas na.