Tinapos ng Armed Forces of the Philippines (AFP), kasama ang United States Indo-Pacific Command at Philippine Coast Guard (PCG), ang bilateral maritime cooperative activity (MCA) sa Manila Bay at sa waters off Mariveles, Bataan.
Ayon sa AFP, layunin ng ehersisyo na pahusayin ang interoperability at maritime response sa Philippine maritime zones. Kabilang sa mga lumahok ang BRP Antonio Luna, A-29B Super Tucano, C-208B aircraft, at Sokol search and rescue aircraft ng Pilipinas, gayundin ang PCG vessel BRP Gabriela Silang, habang ang US Navy ay nag-deploy ng flagship na USS Blue Ridge ng United States Seventh Fleet.
Nagsagawa ng communications check, coordination drills, at photo exercise ang mga kalahok na pwersa. Ayon sa AFP, ang aktibidad ay patunay ng patuloy na pagtutulungan ng Pilipinas at Estados Unidos sa pagpapalakas ng regional maritime security, stability, at pagsunod sa international law, habang patuloy na pinapalakas ang kakayahan ng bansa sa pagprotekta ng maritime interests nito. (report by Bombo Jai )
















