Magtatalaga ang Philippine Red Cross (PRC) ng mga tauhan at emergency medical services (EMS) para sa Undas 2023 Operations nito sa buong bansa nang libre.
Ayon kay PRC Chairman and CEO Richard Gordon, ang volunteers at kawani ng PRC ay magbibigay ng tulong medikal sa mga terminal ng bus, daungan, paliparan, highway, memorial park, at mga piling daanan.
Ang All Saints Day ay taunang pagdiriwang sa Pilipinas kung kailan dumadagsa ang mga tao sa mga sementeryo at memorial park para bisitahin ang kanilang mga mahal sa buhay tuwing Nobyembre 1 at 2.
Para sa ilan, ang taunang tradisyon ay nangangahulugan ng paglalakbay sa mga probinsya.
Ayon naman kay PRC Secretary General Dr. Gwen Pang, noong 2022 Undas operations ng PRC, ginamot nila ang mahigit 3,000 indibidwal na nagkaroon ng minor at major medical emergency.
-- Advertisements --