
Puspusan ang pakikipagtulungan ng gobyerno ng Pilipinas sa Israeli Defense Forces upang mahanap ang 2 nawawalang Pilipino sa nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Israel at militanteng Hamas.
Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) officer-in-charge Hans Leo Cacdac, nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga pamilya ng nawawalang mga Pilipino.
Base din kay Israel Ambassador to the PH Ilan Fluss, posibleng dinukot ng Palestinian militant group na Hamas ang 2 nawawalang Pinoy sa Israel.
Iniulat din ni Cacdac na nasa 770 pamilya ng mga OFWs na nakabase sa israel ang humingi ng tulong para matunton ang kinaroroonan ng kanilang mahal sa buhay sa Israel.
Sa naturang bilang, sinabi ni Cacdac na nasa 768 na ang accounted na subalit ang kinaroroonan ng 2 nawawalang Pinoy ay nananatiling pending ang status updates.










