Plano ng gobyerno ng Pilipinas na humiram ng karagdagan mula sa domestic market para taasan ang mahigit P2 trillion sa borrowings ngayong taon upang mapataas ang kaban ng estado.
Sa isang statement, sinabi ng Department of Finance (DOF) na ang kinakailangang borrowing requirement ngayong taon ay pumapalo sa P2.46 trillion.
Batay sa datos mula sa Budget of Expenditures and Sources of Financing ng Department of Budget and Management (DBM) para sa Fiscal Year 2024, lumalabas na ang borrowing program para ngayong 2024 ay mas mataas sa P2.207 trillion borrowing program noong 2023.
Para mapataas ang borrowing requirement funds, sinabi ng DOF na target ng Bureau of Treasury na mag-isyu ng 30th tranche ng Retail Treasury Bond nito sa loob ng unang kwarter.
Matatandaan na noong pagtatapos ng Nobiyembre 2023, ang utang ng gobyerno ng PH ay pumalo sa panibagong record high na P14.51 trillion, tumaas ng 0.19% mula sa P14.48 trillion na naitala sa pagtatapos ng Oktubre 2023.