-- Advertisements --
DOJ SEC. MENARDO GUEVARRA

Naghain ng notice of appeal ang Pilipinas sa Appeals Chamber ng International Criminal Court (ICC) noong Pebrero 3 bilang tugon sa desisyon ng pre-trial chamber na ipagpatuloy ang imbestigasyon sa mga pagkamatay sa war on drugs sa bansa.

Ayon kay Solicitor General Menardo I. Guevarra, ito ay susundan ng paghahain ng appeal bago ang katapusan ng buwan ng Pebrero.

Sa notice of appeal ng Office of the Solicitor General, sinabin nito na hindi sang-ayon ang gobyerno ng Pilipinas at mariing pinabulaan ang konklusyon ng Pre-trial Chamber.

Matatandaan kasi na una ng sinabi ng ICC na hindi ito kontento sa ginagawang imbestigasyon ng Pilipinas para ihinto ang kanilang pag-uusig sa drug war killings sa bansa.