-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Naglabas ng sama ng loob ang Philippine Motocross champion na si Bornok Mangosong laban sa organizer ng Motocross Competition sa South Cotabato kasabay ng 53rd Foundation anniversary at 20th T’nalak Festival.

Ekslusibong nakapanayam ng Bombo Radyo Koronadal si Mangosong matapos itong mag-rant kaugnay sa masamang pagtrato umano sa kaniya ng mga organizer matapos daw hindi pinayagang makapag-perform dahil sa umano’y protesta ng ilang mga kalahok sa kompetisyon.

Tinawag ni Mangosong na walang “word of honor” ang organizer ng event.

Samantala, pinabulaanan ng Motocross committee chair at South Cotabato board member Larry De Pedro VI ang mga akusasyon ni Mangosong laban sa organizer ng event.

Giit ni Larry, hindi sumunod sa kanilang regulasyon si Mangosong at nabigong makapag-register sa unang araw ng kompetisyon na naging dahilan na magprotesta ang ilang mga kalahok sa event.

Dagdag pa nito na binully din ni Mangosong ang ilang mga baguhang riders at ipinapamukha na siya ang pinakamagaling.

Dahil dit,o ipapatawag si Mangosong upang pag-usapan ang problema at kung patuloy pa raw nitong sisiraan ang Provincial Government ay idedeklara na itong persona non grata.