Nangangako ang gobyerno ng Ph na magbubukas muli ng isang embahada sa Helsinki sa susunod na taon upang higit na palakasin ang bilateral relation nito sa Finland.
Ibinunyag ito ni Vice President Sara Duterte matapos ang kanyang pakikipagpulong kay Finland Ambassador to Manila Juha Markis Pyykko sa Office of the Vice President (OVP).
Sinabi ni Duterte, na magbubukas din ang Finland ng mga honorary consulates sa Davao at Cebu City.
Ayon kay VP Duterte, ang ugnayan ng dalawang bansa ay makatutulong sa pagpapaunlad ng kultura at pagpapalawak ng pagtutulungan sa larangan ng kalakalan at edukasyon.
Nabanggit niya na ang Finland ay kilala sa kahanga-hangang reputasyon nito sa sektor ng edukasyon, na binanggit ang mataas na ranggo nito sa Program for International Student Assessment (PISA) sa mga kalahok na bansa.
Ang Program for International Student Assessment ay isang pandaigdigang pag-aaral ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD) na sumusuri sa kaalaman ng mga mag-aaral sa pagbabasa, matematika at agham.
Giit ni Duterte na sa pamamagitan ng nasabing mga plano, higit na mapapalakas ang sektor ng edukasyon sa Ph, gayundin na mapapalakas ang uganayan sa pagitan ng Finland.