Mas lantad na ngayon sa armed aggression ang Pilipinas, kahit hindi pa ganap na natatapos ang 180 days bago maging epektibo ang Visiting Forces Agreement (VFA) abrogation.
Ito ang naging pahayag ni retired Senior Associate Justice Antonio Carpio sa pagsasalita nito sa isang forum sa lungsod ng Makati.
Ayon kay Carpio, tila nawalan na rin ng bisa ang iba pang kasunduan ng ating bansa sa Estados Unidos, kagaya ng Mutual Defense Treaty (MDT) at Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Samantala, sa panig ni Philippine Ambbasador to US Manuel “Babes” Romualdez, sinabi nitong hindi pa ganap na sarado ang pintuan ng Amerika para sa ating bansa.
Giit ng opisyal, hindi lang nagtatapos sa VFA isyu ang relasyon ng dalawang bansa na naging matagal na magkaalyado.