-- Advertisements --
DOF

Magpapatuloy pa rin sa pagtatapos ng Nobyembre ang plano ng gobyerno na makalikom ng $1 bilyon sa pamamagitan ng Sharia-compliant o Sukuk bonds.

Ayon kay Finance Secretary Benjamin E. Diokno ito ay sa kabila ng umiigting na sigalot sa pagitan ng Israel-Hamas.

Aniya, target ng gobyerno na mag-isyu ng mga bonds ngayong taon.

Ang pinakamababang kinakailangan sa pamumuhunan para sa mga Sukuk bonds ay magiging $200,000.

Ayon sa DOF ang mga Sukuk bonds ay iaalok sa mga namumuhunan sa mga institutional investors sa Abu Dhabi.

Nauna nang sinabi ni dating National Treasurer Rosalia V. de Leon na plano ng gobyerno na mag-issue ng Islamic notes na may lima at 10-year maturity para umapela sa mga indibidwal at institutional investors.

Ang mga Sukuk bonds ay tulad ng mga regular bonds ngunit sinusunod nito ang mga prinsipyo ng Islam.

Sa halip na makakuha ng interes, ang mga mamumuhunan ay makakatanggap ng bahagi ng mga kita mula sa mga asset o proyektong pinondohan ng mga bonds.