-- Advertisements --
Paglalabas ng malaking volume ng okra ang Pilipinas para sa bansang South Korea.
Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, inaayos na ang ilang supply requirements sa pagitan ng dalawang bansa.
Inaasahang masisimulan ang paglalabas ng produkto sa mga darating na buwan, hanggang 2022.
Pagbabahagi pa ng kalihim, eksakto lamang ito sa panahon ng anihan.
Isa sa mga kondisyon ng South Korea para sa pag-export ay ang pag-iinspeksyon ng mga taniman ng okra sa Tarlac, kung saan kukunin ang karamihan sa mga ito.
Hindi naman inilabas ng DA ang iba pang detalye, lalo’t dumadaan pa ito sa mahigpit na proseso.