-- Advertisements --

Kinondena ng Pilipinas ang kasuklam-suklam na pag-atake sa Crocus Hall sa kabisera ng Russia na Moscow kahapon na nagresulta sa pagkasawi at pagkasugat ng ilang indibidwal at pagkasira sa ilang ari-arian.

Una ng iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang mga Pilipino ang naapektuhan sa pag-atake.

Subalit inaabisuhan ang mga Filipino community sa Russia na manatiling mapagmatiyag sa mga posibleng mangyari may kinalaman sa insidente.

Nagpaabot din ng pakikiramay ang DFA sa naulilang pamilya ng mga biktima at umaasa sa agarang paggaling ng mga nasugatan sa insidente.