-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kasama na sa Electronic Travel Authorization (ETA) Program ang Pilipinas.

Kaya naman, maaari nang bumiyahe ang mga Filipino sa Canada para magbakasyon at magsagawa ng business trips kung may Canadian visitor’s visa na inisyu sa nakalipas na 10 taon o kung may US non-immigrant visa.

Pero kung wala ng mga nabanggit na requirements, kailangan pa rin dumaan sa tradisyonal na proseso ng pag-apply sa Canadian Visa.

Paalala rin ng DFA, mayroon pa ring online application at fees ang pagproseso.