-- Advertisements --

Ipinagbawal ng Department of Agriculture (DA) ang pag-aangkat ng poultry products mula sa Belgium at France dahil sa brid flu outbreaks.

Saklaw sa naturang ban ang domestic at wil birds gayundin ang poultry products kabilang ang poultry meat, day-old chicks, hatching eggs at semilya ng poultry products epektibo kahapon.

Ang mga imports ay posibleng payagan bago ang ban kapag nakapag-comply sa partikular na mga criteria.

Magpapatuloy ang import bans sa naturang mga bansa maliban na lamang kung ito ay ipapawalang bisa na ng DA.

Una rito, tumaas ang inangkat na poultry meat sa PH noong 2022 at 2023.