-- Advertisements --
image 337

Ikinokonsidera ng Pilipinas na baguhin ang stratehiya nito sa gitna ng umiigting na agresibong aksiyon ng China laban sa mga barko ng bansa sa West PH sea.

Maliban pa sa pagbabago ng stratehiya, ayon kay National Security Council spokesperson Jonathan Malaya ilan sa mga option na kanilang ikinokonsidera ng mga awtoridad ay ang deployment ng mas marami pang barko na magpapatrolya sa West PH Sea.

Habang tinitimbang ng mga awtoridad ang kanilang hakbangin, binigyang diin ni malaya na magpapatuloy ang resupply missions at tiniyak na hindi sila titigil na ipaglaban kung ano ang atin.

Sinabi din ni Malaya na inirekomenda na nila na maghain ang Department of Foreign Affairs ng diplomatic protest kaunay sa pinakahuling insidente sa resupply mission ng PH.

Matatandaan na noong Setyembre 8, muling hinarang ng mga barko ng China ang resupply mission ng PH habang patungo sa military outpost ng bansa na BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal. Sa kabila nito, matagumpay pa ring naisagawa ang resupply mission