Naging mas handa sa labanan ang dalawang Jose Rizal-class missile frigates ng bansa matapos itong lagyan ng French-made antitorpedo defense system.
Sa isang pahayag, sinabi ng French defense contractor na Naval Group na natapos na nitong i-install ang Contralto antitorpedo reaction module sa parehong BRP Jose Rizal (FF-150) at BRP Antonio Luna (FF-151).
Ang pag-install at pagsubok sa mga sistema ng Contralto ay isinagawa sa pasilidad sa Subic Bay sa presensya ng manufacturer at mga kinatawan mula sa Philippine Navy, Armed Forces of the Philippines at Department of National Defense.
Na-install ang antitorpedo system pagkatapos ng upgrade ng Combat Management System ng dalawang frigate na ibinigay ng Hanwha Systems ng South Korea at ng C-Guard decoy launcher system na ibinigay ng Terma ng Denmark.
Ang dalawang barkong pandigma na Jose Rizal-class ay ginawa mismo ng Hyundai Heavy Industries at ginawang modelo sa mga Incheon-class frigate ng South Korea.
Matapos ang system installing, ang nasabing mga barko ay naglayag kasama ang Arleigh Burke-class destroyer ng US Navy, ang USS Ralph Johnson, sa labas ng lalawigan ng Palawan upang magpatrolya sa West Ph Sea.