-- Advertisements --
May nakikitang pag-asa si Under-23 Philippine football coach Norman Fegidero matapos na maisama sa grupo ang defendin champion na Vietnam para sa 30th Southeast Asian Game sa darating Mayo sa Hanoi, Vietnam.
Sinabi nito na unang makakaharap nila ang Timor Leste.
Wala aniyang gaanong pagbabago dahil sa hindi naman aniya sila nagpalit ng mga manlalaro.
Bukod kasi sa Vietnam ay kasama nila sa Group A ang Indonesia, Myanmar at Timor Leste.
Habang ang national women’s football team naman ay nakahanay sa Group A na makakaharap ang Vietnam, Cambodia at Indonesia.
Magugunitang isinagawa ng draw sa mga grouping sa AFF headquarters sa Kuala Lumpur, Malaysia.