-- Advertisements --

Inamin sa Bombo Radyo ng Philippine Embassy sa The Hague, Netherlands na inuulan sila ng mga request at katanungan ukol sa kalagayan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasalukuyang nasa kostudiya ng International Criminal Court (ICC).

Gayunman, ang mga proseso at paghawak sa kaso ng dating presidente ay hindi na saklaw ng kanilang hurisdiksyon.

Pero sinabi ng embahada na committed sila sa pagkakaloob ng tulong sa dating opisyal, dahil isa itong Pilipino na entitled sa consular assistance.

Pinapayuhan ng PH Embassy ang mga interesadong makakalap ng detaye ukol sa kaso ni Duterte na tumutok sa mga inilalabas na abiso ng ICC o direktang makapag-ugnayan sa mga opisyal ng international tribunal.

Nagbigay din sila ng ilang contact details na maaaring ma-access para sa iba pang concerns.