MANILA – Higit 461,000 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan sa Pilipinas ng deadly virus na coronavirus disease (COVID-19), ayon sa Department of Health (DOH).
Lumabas sa pinakabagong case bulletin ng kagawaran na 1,721 ang nadagdag sa total case count, na umaabot na ngayon sa 461,505.
Hindi pa raw kasali sa ulat ang datos ng limang laboratoryo na bigong makapagpasa ng report kahapon, December 20.
“5 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on December 20, 2020.”
Balik sa Davao City ang trono na may pinaka-mataas na numero ng mga bagong kaso ng sakit, na umabot ng 151. Sumunod ang Quezon City na may 142; Rizal (85); Laguna (81); at City of Manila (77).
Ang active cases o mga nagpapagaling ay nasa 23,341 pa.
Habang ang total recoveries ay nadadagan ng 82 kaya umakyat pa sa 429,207. Samantalang ang totald deaths ay nasa 8,957 na dahil sa 10 bagong naitalang namatay.
“There were 5 duplicates removed from the total case count. These were recovered cases. Moreover, 4 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths after final validation.”