-- Advertisements --

MANILA – Balik sa higit 1,000 ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

Batay sa pinakabagong case bulletin ng ahensya, aabot sa 1,047 ang numero ng new cases. Kaya naman umakyat na sa 480,737 ang total cases sa bansa.

“3 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on January 5, 2021.”

Sa nakalipas na tatlong araw, mababa sa 1,000 ang bilang ng mga naitalang bagong COVID-19 cases ng ahensya.

Ang Davao City pa rin ang nangunguna sa listahan ng mga lugar na may pinakamataas na bilang ng new cases na nasa 79. Sinundan ng Quezon City (58), Laguna (55): at Bulacan at Cagayan de Oro City na parehong may 40 new cases.

Nasa 22,690 pa ang mga nagpapagaling o active cases. Sarado naman sa 448,700 ang total recoveries dahil sa 339 na bagong gumaling.

Habang 26 ang bagong namatay, na nagpaakyat sa total deaths na 9,347.

“3 duplicates that were removed from the total case count. Of these, 1 recovered case has been removed. Moreover, 13 cases previously tagged as recovered was reclassified as deaths.”