-- Advertisements --

MANILA – Pumalo na sa 456,724 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

Ngayong bisperas ng Pasko, nag-ulat ang ahensya ng 1,776 na mga bagong kaso ng sakit. Pero hindi pa kasali rito ang siyam na laboratoryong hindi nakapag-submit ng report kahapon, December 23.

“9 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on December 23, 2020.”

Ang Quezon City ang may pinakamataas na bilang ng new cases na umabot ng 128. Sumunod ang Davao City (121), Rizal (94), Samar province (57), at Bulacan (56).

Nasa 26,179 pa ang mga active cases na nagpapagaling. Nadagdagan naman ng 533 ang total recoveries na nasa 430,490.

Habang pito ang bagong naiulat na namatay, kaya ang total deaths ay nasa 9,055.

“19 duplicates that were removed from the total case count. Of these, 15 recovered cases have been removed.”

“In addition, 37 cases were found to have tested negative and have been removed from the total case count after final validation.”