Muling hinihikayat ng Philippine Consulate ang mga Pilipino na manatiling mapagmatiyag at mag-ingat sa gitn ang naitatalang pagtaas ng mga krimen sa New York City.
Base sa inilabas na latest data mula sa New York City Police Department (NYPD), sinabi ng Philippine Consulate General sa New York City na tumaas ng hanggang 37% ang major crimes sa mga lungsod kabilang ang transit at hate crimes.
Liban pa sa transit at hate crimes, umakyat pa sa 49% ang mga kaso ng pagnanakaw ngayong taon, 46.2% ang itinaas sa naitatalang kaso ng grand larceny auto, sa robbery naman tumaas ng 39.2% at sa burglary nasa 32.9%.
Paalala sa mga Pilipino na maging maingat sa lahat ng oras kapag lalabas ng kanilang tahanan para maiwasang mabiktima ng karahasan.
Ang pinakahuling nabiktima ng pag-atake sa lungsod ay isang 18 year old filipino tourist mula sa Cebu na pinagbubogbog malapit sa Philippine Center sa Manhattan, New York City noong nakalipas na l;inggo.
Ito na ang ika-41 criminal act laban sa mga Pilipino sa New york simula noong taong 2021.