Pinaplantsa na ng mga defense officials ng Pilipinas at Estados Unidos ang logistics capabilities para sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites ayon sa Department of National Defense (DND).
Ito ay kasunod ng pakikipagpulong ni Defense Assistant Secretary for logistics, acquisition and self-reliant defense posture Joselito Ramos kay US Assistant Secretary of Defense for acquisition and sustainment Christopher Lowman para talakayin ang mga paraan para mapagibayo pa ang logistical capabilities sa ma EDCA site.
Ginawa ang naturang pagpupulong bago pa man ang pagbisita ni US Sec. of State Antony Blinken sa bansa kung saan kabilang sa mahahalagang isyu na ilalatag ay ang pagpapanatili ng kapayapaan at stability sa pinagaagawang karagatan.
Habang papalapit naman ang Balikatan exercise sa pagitan ng PH at US sa susunod na buwan sinabi ni Ramos na kayang i-accommodate ng EDCA sites ang malaking bilang ng logistical assets.
Kapwa naman nangako ang dalawang bansa na tutugunan ang capability gaps ng EDCA sites at binigyang diin na magpapalakas pa sa interoperability ang tuluy-tuloy na regional cooperation sa pagitan ng like-minded countries.
Una rito, pinaigting pa ang military ties ng PH sa US at pinayagan ang pagpapalawig pa ng access ng US sa local military bases sa ilalim ng EDCA.