Lumagda ang Pilipinas at ang European Union (EU) ng €60-million financing agreement para sa Green Economy Programme.
Sinabi ng European Commission (EC) na ang grant sa ilalim ng Green Economy Program ay naglalayong tulungan ang Pilipinas sa pagpapanibago ng ekonomiya nito.
Ito rin ay bahagi ng Team Europe Initiative sa Green Economy ng EU.
Sinabi ng European Commission na kasama sa programa ang pag-angkop sa circular economy, pagbabawas ng paggamit ng basura at plastik, pagtiyak ng supply ng tubig at wastewater treatment.
Gayundin ang pagtataguyod ng energy efficiency, at pag-deploy ng renewable energy upang matugunan ang mga epekto ng climate crisis.
Ang EU ay makikipagtulungan sa pamahalaan ng Pilipinas, sa mga LGUs, pribadong sektor upang isulong ang mga green investment na tumutuon sa mga green supply chain at mga proseso ng produksyon lalo na sa pagpapabuti ng ekonomiya ng Pilipinas.