Ibinunyag ng Department of Foreign Affairs na nagsagawa na ng inisyal na diskusyon ang Pilipinas at China kaugnay sa planong joint oil exploration sa may West Philippine Sea (WPS).
Iro ay kasunod ng pagbisita ng State Councilor at Foreign Minister Wang Yi at International Department Central Committee of the Communist Party of China (IDCPC) Minister Liu Jianchao sa bansa noong nakalipas na buwan ng Hulyo at Agosto.
Subalit nilinaw naman ng DFA na wala pa sa ‘working levels” ang naging pag-uusap sa pagitan ng mga opisyal ng bansa at China.
Gayunman, umaasa naman ang China na ikokonsidera ng Marcos administration ang joint exploration sa West Philippine Sea.
Sa nagyon hindi nagbigay ng stand o katayuan dito ang Malacañang bagamat inihayag ng pmahalaan na kanilang pag-aaralan ang naturang isyu.
Sa kabilang dako, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na bukas ang gobyerno ng Pilipinas na muling makipagdayalogo sa China sa joint oil at gas exploration sa kondisyon na pasok ang naturang diskusyon sa 1987 Constitution.
Pero sakali man na matuloy ang panibagong pag-uusap, sinabi ng DFA na kanilang isasaalang-alang ang national interes ng ating bansa.
-- Advertisements --