-- Advertisements --

Iniutos ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang tuluyang pagsibak sa serbisyo ng pulis dahil sa pagkamatay ng kaniyang asawa at anak.

Ayon sa NAPOLCOM, na may pananagutan si Police Senior Master Sergeant John L. Mollenido dahil sa hindi tamang desisyon sa paghawak ng bangkay ng asawa nitong si Police Senior Master Sergeant Diane Marie Mollenido sa walong-anyos na anak nito.

Pinatay ang dalawa nitong Enero kung saan itinapon sa magkaibangl lugar sa Bulacan at Tarlac ang mga bangkay nila.

Kahit na patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad ay nagpasya si Mollenido na agad na i-cremate ang bangkay ng mag-ina nito.

Sinabi pa ng NAPOLCOM na ang hakbang ay isang uri ng obstruction of justice kabilang na ang pagsir ng mga ebidensiya.

Giit ni Vice Chairman and Executive Officer Ralph Calinisan na sa bigat ng ginawa ni Mollenido ay ang karampatang kaparusahan nito ay pagkasibak sa posisyon.