Inihayag ng Pilipinas at Amerika sa isang joint statement na isinasagawa na ang full implementation ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pamamagitan ng pag-expedite sa completion ng mga proyekto at pagdaragdag pa ng mas maraming military sites.
Ito ay sa layong mabigyang diin ang kahalagahan ng Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Sa pamamagitan din ng naturang kasunduan, maaring gamitin ng US military ang mga pasilidad sa military bases at kampo ng Pilipinas.
Sa kasalukuyan, mayroong limang military sites ang natukoy na sa ilalim ng EDCA kabilang ang Benito Ebuen Air Base sa Cebu, Lumbia Airport sa Cagayan de Oro, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, Antonio Bautista Air Base sa Palawan, at Basa Air Base sa Pampanga.