-- Advertisements --
320 PHEmbassyinIsrael 2023 10 11 14 11 56

Nangako ang embahada ng Pilipinas sa Israel na tutulungan nito ang pamilya ng mga nasawing OFW na mapauwi ang kanilang mga labi sa lalong madaling panahon.

Maliban dito, tiniyak din ng embahada ang ipagkakaloob na tulong pinansyal, sa pamamagitan ng national government.

Ayon kay Philippine Ambassador to Israel Pedro Laylo Jr., kasalukuyan na ang pakikipag-usap nito sa pamahalaan ng Israel para sa agarang pagbibiyahe sa mga labi ng dalawang pinoy workers mula sa lugar kung saan ito unang dinala matapos silang madamay sa mga pag-atake.

Mula dito aniya, agad aasikasuhin ng pamahalaan ang pagbibiyahe sa kanilang mga labi.

Tiniyak din ng opisyal na mananatili itong nakamonitor sa kalagayan ng mga Pinoy na nasa Israel, lalo na ang mga naroroon o malapit sa sentro ng kaguluhan.

Una na ring sinabi ng Malakanyang na nakausap na ni PBBM ang pamilya ng dalawang pinoy na nasawi sa kaguluhan sa Israel.

Bahagi ng naging pangako ni PBBM sa pamilya ng dalawang biktima ay ang pagbibigay tulong sa kanila.