-- Advertisements --
Pasok na sa semifinals ng 2023 PVL All-Filipino Conference ang Petro Gazz.
Ito ay matapos talunin ang Akari sa apat na set 25-15, 25-19, 22-25, 25-16 sa laro na ginanap sa Philsport Arena.
Nanguna sa panalo si Grethcel Soltones na nagtala ng 20 points mula sa kaniyang 16 na atake at four aces.
Mayroong 15 points naman ang naitala ni Aiza Maizo-Pontillas at 13 points ang naitala ni middle blocker Remy Palma at 11 points kay Jonah Sabete.
Mayroon na silang limang panalo at dalawang talo kung saan makakasama nila ang Creamline sa semifinals.