-- Advertisements --

Nakuha ng Petro Gazz Angels ang unang panalo sa best-of-three Finals series laban sa defending champion Creamline ng 2023 Premier Volleyball League All-Filipino Conference na ginanap sa Mall of Asia Arena.

Nakuha ng Angels ang 25-22, 24-26, 25-23 at 26-24 para tapusin ang 14-game na pagkatalo sa kamay ng Cool Smashers.

Bumida sa panalo ng Angels si Jonah Sabete na nagtala ng 18 points, 15 reception, at 10 digs habang si Aiza Maizo-Pontillas ay mayroong 15 points kabilang ang dalawang blocks at tig-14 points sina Grethcel Soltones at MJ Philips.

Susubukan naman ng Cool Smashers na maitabla ang serye sa Game 2 na gaganapin sa Marso 28.