-- Advertisements --

Ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) ang petisyong inihain ng isang grupo laban sa mga party-list na miyembro ng Makabayan bloc.

Sa resolusyon ng 1st Division na may petsang January 3, nakasaad ang pag-dismiss ng poll body sa petisyong inihain noon ni Angela Aguilar, ang secretary-general ng Kababaihang Maralita.

“Accordingly, for what of evidence, (Aguilar’s) claim that grounds to exist to warrant cancellation of Party-list Respondents’ registration in the party-list system and the disqualification of Respondent Colmenares has no leg to stand on,” ayon sa Comelec resolution.

Nais ni Aguilar na ipakansela ang registration ng mga grupo sa Makabayan bloc, pati na ang diskwalipikasyon bilang kandidato noon ni Bayan Muna chairman Neri Colmenares sa senatorial race.

Inakusahan ng petitioner na may koneksyon sa New People’s Army (NPA) ang mga party-list na Bayan Muna, Kabataan, Alliance of Concerned Teachers (ACT-Teachers) at Gabriela.

Iginiit din nito na inabuso raw ng nasabing mga partido ang party-list system sa pamamagitan ng umano’y mga plano na pabagsakin ang gobyerno.

Pero ayon sa Comelec, tila hindi tapat si Aguilar sa kanyang petisyon dahil bigo itong sumipot sa mga ginawang pagdinig.

Hindi rin daw ma-locate ang petitioner mula sa address na isinumite nito, gayundin na bigo itong mag-presenta ng sapat na ebidensya para patunayan ang reklamo.

“No independent proof was proffered to corroborate her (Aguilar) testimony that it was the Respondents which actually caused the making, distribution, and posting of the campaign materials bearing subversive statements against the present administration.”