-- Advertisements --

Pormal nang kinilala ng Philippine Olympic Committee (POC) ang accreditation ng Philippine Electronic Sports Organization (PESO) bilang opisyal na pambansang association ng esports sa bansa.

PESO POC Certificate

Pirmado ni POC Secretary General Atty. Edwin Gastanes ang sertipikasyon. Nilalaman nito ang pangalan ng PESO officials na uupong sa tungkulin sa loob ng dalawang taon.

Kabilang dito sina President Brian Benjamin Lim; Vice President Eric Redulfin; Secretary General Jess Tamboboy; at Corporate Secretary Michael Gatchalian.

“We are honored and grateful for the trust that the POC placed in us. We embrace this huge responsibility as we continue to support our athletes and push the growth and development of Esports in the country,” ayon kay Lim.

Noong October 9 idineklara ng POC na associate member na nila ang PESO bilang national sports association ng esports.

Sa nakaraang Southeast Asian Games na ginanap dito sa Pilipinas, inilunsad ang esports bilang medal event.

Magugunitang kinuwestyon ni SEAG organizing commitee chief Ramon Suzara ang pagiging lehitimo ng PESO, na siya ring nanawagan para sa accreditation ng POC.