-- Advertisements --
Mas humina pa ang halaga ng piso kontra sa US Dollar.
Base sa datus ng Bankers Association of the Philippines na mayroon ng P57.00 ang kapalit ng $1.
Mas mahina ito kumpara noong Lunes na mayroong P56.99 at noong Biyernes naman ay P56.77.
Ito na ang pangatlong magkakasunod na trading day na humina ang peso.
Paliwanag naman ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Felipe Medalla na hindi lamang sa Pilipinas nararamdaman ang paghina ng pera at sa halip ay nararanasan din ito sa ibang bansa.
Tiwala naman ang ilang financial analyst na muling sisigla ang piso sa huling quarter ng taon mula sa mga remittance at export receipt.