CAGAYAN DE ORO CITY – Nakapagtala na rin ng pertussis disease ang ilang bahagi ng Cagayan de Oro City,Northern Mindanao region.
Kinompirma ni Cagayan de Oro City Health Office head Dra. Rachel Daba-Dilla na nasa tatlong bata ang nai-dokumento nila na umano’y dinapuan ng ‘whooping cough’ nitong lungsod.
Sinabi sa Bombo Radyo ni Dilla na batay sa confirmatory test results, ang 2-month baby ang positibo ng bakterya habang ang dalawang 3-month old babies ay nakitaan na rin ng mga sintoma ng pertussis.
Tinukoy nito na ang pagbaba ng ‘herd immunity’ epekto ng pandemya ng COVID-19 ang kabila ng sa maaring dahilan kung bakit bumaba ng husto ang immunization rate ng mga bata ng lungsod.
Kaugnay nito,hinikayat ng CHO official ang mga magulang na mayroong mga bata na bigong mabigyang bakuna na pumunta sa barangay health centers para makakuha ng imunisasyon.
Una rito,agad nagbigay-abiso si City Mayor Rolando ‘Klarex’ Uy na kung maari ay magbalik-suot ng facemask ang publiko bilang personal protection laban sa nakakahawang sakit.
Magugunitang higit 50 taon nang nawala ang pertussis dahil sa malawakang imunosasyon subalit dahil sa mabilisan na pagbaba ng mga nabakunahan epekto ng pandemya ay lumutang itong muli sa ilang bahagi ng bansa.