-- Advertisements --

Pinaplano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maglagay ng permanenteng Kadiwa stores sa iba’t ibang lokal na pamahalaan sa buong bansa kapalit ng pansamantalang pop-up stores.

Ito ang ibinunyag ng Punong ehekutibo kasabay ng paglulunsad ng isang special Kadiwa outlet para sa mga manggagawa ng lungsod ng Quezon.

Ito ay tinawag na “Kadiwa ng Pangulo (KNP) Para sa Manggagawa” na matatagpuan sa Trade Union Congress of the Philippines head office.

Ayon sa Pangulo ito ay bahagi ng nagpapatuloy na pagpapalawig ng kadiwa centers sa buong bansa na layong mabigyan ng isang platform ang ating mga kababayang magsasaka, mangingisda maging ang maliliit na negosyo para mapataas ang kanilang income o kita sa pamamagitan ng direct farm-to-consumer trade.

Parte rin ito ng inisyatibo ng pamahalaan na maibsan at malabanan ang epekto ng mataas na inflation sa bansa.

Sa ngayon, mayroon ng 500 kadiwa stores sa buong bansa.