-- Advertisements --

Aabot na sa mahigit $1.02 bilyon ang kabuuang kita ng pelikulang “The Super Mario Bros. Movie”.

Dahil dito ay nasa unang puwesto na ito sa North American movie screens.

Nitong nakaraang Biyernes pa lamang kasi ay mayroon ng kita na umabot sa $40 milyon at sa kita nito sa US at Canada ay pumalo na ng $490 milyon.

Itinuturing na ngayon ang nasabing pelikula bilang kauna-unahan na nakaabot ng $1-B ngayong taon.

Pumangalawa sa listahan naman ang horror film na “Evil Dead Rise” na mayroong kita na $12.2-M.

Nasa pangatlong puwesto naman ang “Are You There God? It’s Me Margaret”.

Huling animated film na kumita ng $1-B worldwide ay ang pelikulang Frozen noong 2011.