-- Advertisements --

Nanguna ang pelikulang Oppenheimer sa dami ng nominasyon sa Screen Actors Guild (SAG) Awards.

Mayroong kabuuang apat na nominasyon ito habang ang mga pelikulang “Barbie” at “Killers of the Flower Moon” ay mayroong tig-tatlong nominasyon.

Ang mga magwawgi ay pinagbobotohan ng mga SAG-Aftra’s membership ng may mahigit 119,000 actors.

Kabilang naman sa nominado bilang best actors sina Bradley Cooper, Colman Domingo, Paul Giamatti, Cilian Murph at Jeffrey Wright.

Nalungkot naman ang mga fans ni Leonardo DiCaprio dahil sa hindi ito kasama sa listahan na nominado sa best actor award.