-- Advertisements --
Nasabat sa operasyon sa San Pablo City, Laguna, ang mga pekeng sigarilyo nagkakahalaga ng tinatayang nasa P2 milyon.
Arestado sa buy-bust operation sa Barangay Conception ang isang 49 anyos na babae kung saan nasamsam sa operasyon ang mga kahon ng pekeng sigarilo.
Batay kay Police Lt. Col. Vicente Cabatingan, ang supplier ng mga ito ay Chinese national at ang naturang suspek ay isang distributor.
Mahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines.