Inaresto ng mga tauhan ng PNP Anti-Cybercrime Group ang isang isang online seller na napag-alamang nagbebenta ng pekeng Philhealth card matapos ang isinagawang entrapment operation Quezon City.
Batay sa report, kinilala ang suspect na si Maria Trinidad De Castro, 42, residente ng Project. 4, Quezon, City.
Ang operasyon ay isinagawa alinsunod sa reklamo ni Philhealth Special Investigator II Michael Ani tungkol sa talamak na pagbebenta online ng umano’y pekeng PhilHealth Identification Cards .
Nakipagkita ang subject sa mga operatiba ng Northern District Anti-Cybercrime Team at kaagad na inaresto ang suspect. .
Nakuha sa pag-iingat nito ang 5 piraso ng pekeng Philhealth Card boodle money, at isang Samsung cellphone.
Sa ngayon, ang suspect ay dinala na sa PNP-Forensic Group, sa Camp Crame bago dalhin sa bago dalhin sa PNP-ACG, Custodial Facility.
Mahaharap ito sa sa kasong may kinalaman sa paglabag sa Article 172 o Falsification of Public Document ng Revised Penal Code kaugnay ng Sec. 6 ng RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.