Tiniyak ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) na walang preconditions at walang ceasefire na itinakda sa exploratory talks sa pagitan ng gobyerno at komunistang grupo.
Ayon kay OPAPRU Presidential Assistant Wilben Mayor na ang exploratory talks sa ilalim ng Marcos Jr., administration ay isang bagong peace process at hindi ito resumption ng naunang usaping pangkapayapaan.
Paliwanag ni Mayor, ang pag-uusap na ito ay walang pre-condition at lahat ng mga detalye ay bago.
Nilinaw naman ni Mayor na ang anti-insurgency operations ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang pagpapanatili ng peace and order ng Philippine National Police (PNP) ay magpapatuloy sa kabila ng exploratory talks.
Nagkasundo ang gobyerno at ang CCP-NPA-NDF sa isang principled and peaceful resolution ng armed-conflict para matigil na ang armadong pakikibaka at ang pagbabagong anyo ng mga dating rebelde na nais magbalik loob sa gobyerno.
Nanawagan naman si Mayor sa sambayanang Pilipino na suportahan ang bagong exploratory talks ng administrasyon.
Binigyang-diin ni Mayor na ang whole-of-government and the whole-of-nation approach ay mahalaga sa nation-building