-- Advertisements --

PDRRMC-Quezon, tiniyak na sapat ang food packs na inilaan para sa mga evacuees sa Quezon province; malawakang pre-emptive evacuation, ipinatupad

NAGA CITY – Patuloy ngayon ang isinasagawang malawakang pre-emptive evacuation sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan ng Quezon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Dr. Melchor Avenilla, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC)-Quezon head, sinabi na aabot na sa 138 indivuals ang kanilang nailikas.

Ang naturang bilang umano ang mas mababang porsyento sa kanilang inaasahan na mga evacuees.

Aniya, nagdeploy na rin si Gov. Dra. Helen Tan ng mga teams para mag-augment sa mga bayan na mayroong risk ng landslide at flashflood.

Kasama na rito ang mga bayan ng Real, Infanta, General Nakar, Lopez, Calauag area, San Narciso, San Francisco, San Andres area, sa bahagi ng bundok Peninsula sa nasabing lalawigan.

Sa kabila nito, tiniyak naman ni Avenilla na may mga nakahandang food packs para sa mga nasa evacuation centers.