Lubos na nagpasalamat si Presidential Communications Office acting Secretary Jay Ruiz kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa panibagong tiwalang ipinagkaloob sa kanya para pamunuan ang ahensya.
Kasunod ito ng kanyang re-appointment bilang acting Secretary ng PCO
Tiniyak nitong paiigtingin pa niya ang serbisyo lalo na’t malaki ang papel ng komunikasyon sa tagumpay ng mga programa ng administrasyon.
Ipinahayag din ni Ruiz ang pasasalamat sa mga kasamahan sa media na nagpahayag ng suporta sa kanyang pamumuno.
Anya, mahalaga ang pagtutulungan ng pamahalaan at media sa pagsusulong ng makatotohanan at makabuluhang diskurso sa lipunan.
Kabilang sa mga prayoridad ng PCO sa ilalim ng kanyang pamumuno ang paglaban sa fake news at pagbibigay ng tapat, maagap, at malinaw na impormasyon sa mga mamamayan.