-- Advertisements --

Naghain na ng complaint ang Philippine Coast Guard (PCG) laban sa MV Happy hiro matapos ang insidente ng pagbangga ng kanilang vessel sa isang fishing boat sa may Agutaya, Palawan.

Ayon sa PCG , naghain ang ahenisya ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide, multiple injuries, and damage to properties laban sa personnel ng MV happy hiro sa Antique Prosecutor’s Office kahapon, May 31.

Ayon kay PCG Commandant Admiral Artemio Abu, kabilang sa mga sinampahan ang kapitan ng barko na isang Croatian, second mate na isang Romanian at dalawa pang officers.

Maaalala na nasa 7 mangingisda ang napaulat na nawawala matapos ang pagbangga ng fishing boat na FB JOT-18 sa MV Happy Hiro.

Base sa imbestigasyon , napag-alaman na nagkaroon ng engine failure nang bumngga ng MV Happy Hiro ang fishing boat.

Sa ngayon ayon kay Abu, hindi papayagan ng PCG ang MV Happy Hiro na makaalis ng bansa at umaasa na maglalabas ang korte ng order para sa detention ng mga sangkot sa insidente.