Magkasamang nagsagawa ay sumailalim sa Coast Guard operation training ang Philippine Coast Guard Fleet at Japan Coast Guard-Mobile Cooperation Team.
Ang naturang mas komprehensibong pagsasanay ay isinagawa ng dalawang bansa mula noong Nobyembre 20, 2023 hanggang Disyembre 1, 2023.
Ito ay sumentro sa capacity building initiative partikular na sa towing operations, walter cannon operation, emergency steering drills, arresting techniques, bridge resource management, safety navigation, at safety management.
Ayon sa Coast Guard Fleet, ito ay isang malaking oportunidad para sa mga tauhan ng PCG at JCG para sa mas pagpapatibay pa ng kanilang relasyon partikular na sa pagpapanatili ng highest level ng maritime safety.
Sa pagsasanay kasi na ito ay kapwa nabigyan pa ng valuable information, at iba’t-ibang techniques at procedures ang magkabilang panig para sa paggamit ng water cannon.
Samantala, bukod dito ay naging sentro rin nito ang Supporting Detail Towing Operation na kinabibilangan naman ng mga pagsasanay na may kaugnayan sa proper techniques ng pag a-attach ng towing lines sa towing vessel at isang maliit na bangka, at marami pang iba.