-- Advertisements --
PNP 1

Binisita ni Philippine National Police Chief PGen. Archie Francisco Gamboa ang burol ni P/Capt. Efren Espanto Jr., nitong weekend.

Nasawi sa engkuwentro si Espanto laban sa New People’s Army (NPA) sa Janiuay, Iloilo, noong February 12,2020 habang nagsasagawa ng combat operation.

Personal na nagpaabot ng pakikiramay si Gamboa sa naiwang pamilya ng batang opisyal at ginawaran ng PNP chief ng Medalya ng Kadakilaan Posthumously.

PNP1

Binigyan din ng financial assistance ni Gamboa ang pamilya at tiniyak makukuha ang lahat ng benepisyo nito.

PNP3

Si Espanto ay tubong La Carlota City sa Negros Occidental at miyembro ng Philippine National Police Lakandula Class of 2015.

PNP7

Samantala, ginawaran din ng Medalya ng Kagalingan ni Gamboa ang mga miyembro ng Reconnaissance Company ng Regional Mobile Force Battalion-6 na mga kasama ni Capt. Espanto.

Tiniyak ni Gamboa na mananagot ang mga rebeldeng patuloy na naghahasik ng karahasan sa publiko.