Pormal nang itinalaga si PBGEN Melencio Nartatez Jr. bilang bagong regional director ng National Capital Region Police Office.
Ito ay matapos ang isinagawang Turnover of Command Ceremony ngayong araw sa Camp Bagong Diwa, Taguig City na pinangunahan naman ni Philippine National Police Chief PGEN Benjamin Acorda Jr.
Sa kaniyang pormal na pagsisimula bilang bagong pinuno ng NCPRO ay agad na inatasan ni PBGEN Nartatez ang lahat ng mga Station Commander at Chief of Police sa buong Metro Manila na kumuha ng kopya ng mga numero ng lahat ng mga barangay officials sa buong rehiyon.
Kasabay nito ay ipinangako rin niya na ipagpapatuloy niya ang nasimulang plano ni outgoing NCRPO chief PMGEN Edgar Alan Okubo na sumesentro sa Revitalized Pulis sa Barangay bilang bilang pagtalima sa isa sa mga direktiba ni PNP Chief Acorda na patuloy at mas matibay na ugnayan ng kapulisan sa mga mamamayan.
Tiniyak din niya na pag-aaralan at muling susuriin ang police operations ng kaniyang mga nasasakupan at pagtuunan din ng pansin ang recrafting nito partikular na sa pangangsiwa ng securioty operations at recurring activities para sa security preparations sa papalapit na ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 24, 2023.
Samantala, papalitan ni Nartatez sa puwesto si PMGEN Okubo na itinalaga naman bilang Director for Community Relations ng Philippine National Police.
Matatandaang bago maitalaga bilang bagong NCRPO chief ay nanungkulan din PBGEN Nartatez bilang director for intelliogence ng PNP.
Nanilbihan din siya bilang director for comptrollership, at dati ring naging director ng Police Regional Office 4A na sumasaklaw naman sa mga probinsya ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon.