Patuloy pa na nire- review ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang panawagang suspindihin muna ang pagpapatupad ng 5% pagtaas ng premium rates sa Philhealth.
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, wala pang desisyon hanggang ngayon ang Pangulo.
Sinabi Garafil na nais ng Chief Executive na nais matiyak ng Pangulo na ang anumang pagtataas ng Philhealth premium ay makapagdaragdag din sa mga benepisyo at coverage ng mga miyembro.
Magugunita na hiniling ni health Secretary ted Herbosa sa Pangulo na ipagpaliban muna ang Philhealth Premium hike upang mabawasan ang kalbaryo ng mga miyembro lalo at patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin partikular ang pagkain.
Sinabi ni Herbosa na hindi naman ikalulugi ng Philhealth kung suspindihin muna ang taas kontribusyon.
” The review is still ongoing. The President wants to ensure that any increase in premium will substantially be much more in value in terms of benefits and coverage to Philhealth members,” mensahe ni Secretary Garafil.