-- Advertisements --
image 149

Umapela si Pang. Fedinand Marcos Jr. sa mga residente ng Albay na makipag-cooperate at sundin ang mga utos ng kani-kanilang mga local government units.

Ito ay kasabay ng tumitinding aktibidad ng Mayon Volcano.

Maalalang una nang inilagay ang Albay sa ilalim ng State of Calamity, dahil pa rin sa pag-alburoto ng Mt Mayon, kung saan una nang inilikas ang mga residente na nasa 6 – 8 km radius.

Ayon sa pangulo, may sapat na pondo ang pamahalaan para tugunan ang pangangailangan ng mga ililikas.

Inihalimbawa nito ang nasa 179,000 family food packs, at P114m Quick Response Fund sa ilalim ng DSWD.

Sinabi rin ng Pangulo na inatasan na nito ang Office of Civil Defense (OCD), Department of Agriculture (DA), Department of Health (DoH), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na magtulungan upang mas mabilis na maipaabot sa publiko ang mga impormasyong dapat nilang malaman.

Umapela rin ang Pangulo sa mga LGU, na regular na imonitor ang kalagayan ng mga residente, at agahan ang paglalabas ng anumang mga paabiso.