-- Advertisements --

Sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan ngayong araw April 9,2023, ipinanawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magsalita laban sa diskriminasyon,tumulong sa mga nangangailangan at magsumikap para sa isang mas mabuting hinahaharap.

“As the legacy of our heroes and heroines came at a great and hefty cost, may we also re-examine our values and honor their lives by speaking up against discrimination, extending help to those in need, and working towards a better future,” mensahe ni Pangulong Marcos.

Binigyang-diin ng chief executive, “May we also learn to make wise and sound decisions so that we may address our country’s pressing problems with compassion and concern for others.”

Hinimok ng pangulo ang mga Pilipino na magsikap tungo sa pagbuo ng isang makatao, patas, at progresibong lipunan na nagpapahintulot sa kanilang mga kababayan na “masaya sa kanilang kalayaan at makamit ang kanilang mga indibidwal at kolektibong mithiin.”

Ang Araw ng Kagitingan ay ipinagdiriwang bilang parangal sa mga Pilipinong nakipaglaban sa mga sundalong Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito rin ay ginugunita ang pagbagsak ng Bataan sa mga hukbong Hapones noong Abril 9, 1942.

Habang taunang ipinagdiriwang ang Araw ng Kagitingan tuwing Abril 9, idineklara ng Malacañang na ang Abril 10, 2023, Lunes, ay isang regular na holiday bilang paggunita sa Araw ng Kagitingan upang bigyan ang mga Pilipino ng mas mahabang weekend maliban sa Semana Santa mula Abril 6 hanggang a-9.