Patuloy na mino-monitor ng pamahalaan, sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs at ng Philippine Consulate sa Los Angeles, California, ang sitwasyon kaugnay ng protesta at operasyong isinasagawa ng US immigration authorities sa nasabing lungsod.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, malinaw ang tagubilin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin ang pagbibigay ng tulong sa mga Pilipinong nasa ibang bansa, lalo na sa mga naapektuhan ng ganitong mga operasyon.
Kasabay nito ang paalala na kailangan ring sumunod ang mga Pilipino sa mga batas ng bansang kung saan sila nakatira o nagtatrabaho.
Nabatid na kinumpirma ng Philippine Consulate sa LA na
may isang Pilipinong inaresto ng US Immigration and Customs Enforcement sa gitna ng nagpapatuloy na malawakang operasyon sa lugar.